EA

Quotes by Eros Atalia

Eros Atalia's insights on:

"
Kung ang paglilibang ay gamot na pampalimot, paniguradong maraming taong sasama ang loob na kalimutan na lang ang kagustuhang makalimot dahil sa mahal ang makalimot.
"
Wala pa akong nakikitang aso na nagpapakitang-aso. Pero maraming taong nagkukunwaring tao.
"
Kung magkikita uli kami, bahala na uli si Batman. Ayokong paghandaan ang malayo sa katotohanan.
"
...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.
"
Alam ko, may mas malaki pang mundo na naghihintay kong magalugad, madaanan, matapakan o masulyapan man lang. Pupunta rin ako dyan. Hinay-hinay lang. Dayuhan pa ako sa sarili kong mundo. Parang alien.
"
Tapusin ang dapat tapusin nang may masimulan namang bago.
"
Kaugnay nito, tao lang yata ang may insecurities at ayaw nilang makitang may mas mahusay sa kanila. Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung-bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad.
"
Siguro kaya naimbento ang salita’t konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat malaman ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-haba’t pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin nalang.